by Renand Pastor, Romblon News | Monday, 22 February 2016
Time-out muna sa pag-tratrabaho ang mga tauhan ng 351st Naval Reserve Command (NROTC) sa Santa Maria para magpasaya sa mga bata sa Talamban Elementary School sa Barangay San Isidro sa Santa Maria.
Umabot sa 57 na bata mula grade 1 hanggang 4 ang nabigyan ng papel, tsinelas at mga grocery ng 351st Naval Reserve Command (NROTC) nitong Sabado ng umaga.
Laking pasasalamat naman ni PTCA President Arsenio Santillan na ayon sa kanya ay unang beses palang umanong naabutan ng tulong ang nasabing paaralan dahil na rin sa malayo ang kanilang lokasyon.
Tuwang tuwa rin ang mga bata sa natangap na regalo.