by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Friday, 26 February 2016
Nasunog nitong Miyerkules ang isang kakahuyang bahagi ng Barangay Lagang sa Banton, Romblon.
Ayon sa impormasyon na ipinagkaloob ni Banton Municipal Police Station Chief Police Inspector Edwin Bautista sa Romblon News, tanghali umano nang February 24, 2016 nagsimula ang sunog.
Hindi umano kinaya ng mga tauhan ng BFP ang nangyaring sunog kaya humingi na ng assistance sa mga tauhan ng Banton MPS kasama ang ilang mga opisyal ng Barangay Poblacion, Lagang at ilan pang kalapit Barangay.
Idineklarang fire-out ang sunog bandang 3:15 ng hapon ng parehong araw.
Hinala naman ng mga residente dito ay ang mainit na panahon ang dahilan.
Sobra umanong tuyo ng mga tumbang puno na pinatumba pa ng bagyong Nona noong nakaraang taon at isa umano rito ang maaring umapoy.
Patuloy naman na inaalam kung ano talaga ang opisyal na pinagmulan nang sunog at kung magkano ang damage nito.