Idineklara ng Pamahalaang Panlalawigan ng Romblon ang July 12 ng bawat taon bilang “West Philippine Sea Victory Day” sa lalawigan sa ilalim ng Provincial Ordinance No. 20, Series of 2026.
Ipinasa ng Sangguniang Panlalawigan ang ordinansa noong September 18, 2026, sa ika-32 regular session nito sa SP Session Hall, Capitol Building, Romblon, Romblon. Inaprubahan ito ni Governor Trina Alejandra Q. Firmalo-Fabic.
Ayon sa ordinansa, layunin nitong gunitain taun-taon ang July 12 bilang pagkilala sa 2016 Arbitral Award at sa kahalagahan nito sa maritime rights ng Pilipinas at international law.
Nakasaad din sa ordinansa na ang paggunita ay isang provincial commemorative occasion at hindi itinuturing na special non-working day, special holiday, o dahilan para sa pagsususpinde ng trabaho o klase, maliban kung may hiwalay na deklarasyon mula sa kaukulang national o local authority alinsunod sa batas.
Kabilang sa mga maaaring isagawang aktibidad tuwing paggunita ang flag-raising ceremonies at mga programang may kaugnayan sa paggunita sa mga pampublikong institusyon at paaralan; educational forums, lectures, seminars at information campaigns hinggil sa West Philippine Sea at Arbitral Tribunal Ruling; exhibits, cultural shows at iba pang aktibidad; at community outreach at environmental conservation activities.
Nakasaad sa ordinance na isasagawa ang mga programa ng Provincial Government of Romblon sa pamamagitan ng mga kaukulang tanggapan, katuwang ang concerned national government agencies, component local government units at civil society organizations.


























