Magdamag na nakaranas ng pag-ulan ang lalawigan ng Romblon dahil sa Habagat na pinalalakas ng Bagyong Inday.
Batay sa tala ng San Agustin Weather Station, umabot sa 1.41 inches ang naitalang accumulated rainfall sa loob ng nakalipas na 24 oras.
Sa inilabas na Weather Advisory ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) alas-5:00 ng umaga nitong July 11, inaasahan pa rin ang 50 hanggang 100 millimeters ng pag-ulan sa Romblon hanggang Linggo bunsod ng pinalakas na southwest monsoon o Habagat.
Sa kabila nito, sinabi ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na wala pang naitatalang insidente na may kaugnayan sa nararanasang masamang panahon sa lalawigan.
Pinapayuhan naman ang publiko na patuloy na magmonitor ng mga abiso ng PAGASA at mga lokal na awtoridad, lalo na ang mga naninirahan sa mga lugar na madaling bahain at magkaroon ng pagguho ng lupa.



































Discussion about this post