Inihatid na sa kanyang huling hantungan ngayong araw ang namayapang dating Gobernador ng Romblon na si Jose M. Madrid.
Matapos ang mga huling parangal at seremonyang dinaluhan ng kanyang pamilya, mga kaibigan, dating kasamahan sa serbisyo, at iba pang opisyal ng pamahalaan, inilibing ang kanyang labi sa Looc Cemetery sa bayan ng Looc, Romblon.
Bilang pagpupugay sa kanyang naging serbisyo sa lalawigan, binigyan si Madrid ng mga kaukulang funeral honors sa mga naunang seremonya, kabilang ang foyer honors na isinagawa sa Romblon Capitol.
Kinilala si Madrid sa kanyang naging ambag sa pamumuno at paglilingkod sa lalawigan ng Romblon bilang gobernador at bilang hukom bago siya pumanaw.
Nakiramay ang iba't ibang opisyal at sektor sa pamilya ni Madrid at kinilala ang kanyang mga naiambag sa pamahalaan at sa mamamayan ng Romblon.



































Discussion about this post