Tinalakay nina Congressman Eleandro Jesus Madrona at Department of Tourism Secretary Dita Angara-Mathay ang mga hakbang upang mapalawak pa ang tourism opportunities at maisulong ang sustainable tourism programs sa lalawigan ng Romblon sa isinagawang pagpupulong sa tanggapan ng kongresista.
Sa kanilang talakayan, napag-usapan ang pagpapalakas ng mga local tourism destinations sa Romblon at pagpapatupad ng mga programang makapagbibigay ng pangmatagalang benepisyo sa mga komunidad.
Tinalakay rin ng dalawang opisyal ang posibilidad ng pagrepaso at pag-update sa Republic Act No. 9593 o Tourism Act of 2009 upang mas mapalakas pa ang suporta sa tourism stakeholders at matiyak na naaayon ang mga polisiya sa kasalukuyang pangangailangan ng tourism sector.
Bilang bahagi ng pagpupulong, nagkaroon din ng palitan ng mga produktong sumisimbolo sa kulturang Pilipino at lokal na sining.
Dumalo rin sa pagpupulong si House Deputy Speaker Yevgeny Vincente B. Emano, kinatawan ng 2nd District ng Misamis Oriental, kung saan ibinahagi rin nito ang kahalagahan ng pagtutulungan ng iba’t ibang rehiyon para sa pagpapaunlad ng turismo sa bansa.



































Discussion about this post