Ibinalita ni Chief of Staff Denon Madrona ng Office of Congressman Eleandro Madrona na mayroon nang CARE Desks sa lahat ng 17 munisipyo ng lalawigan ng Romblon.
Ayon kay Madrona, ang CARE o Congressional Assistance Response and Education ay binubuo ng mga itinalagang personnel sa bawat bayan na magsisilbing maaaring lapitan ng publiko para sa mga pangangailangan kaugnay ng opisina ng kongresista.
Kabilang sa mga serbisyong maaaring idulog sa CARE Desks ang medical at educational assistance, endorsement ng aplikasyon ng mga naghahanap ng trabaho, at iba pang dokumentong kinakailangan sa iba’t ibang programa at transaksyon.
Sinabi rin niya na layunin ng sistema na mapadali ang paglapit ng mga mamamayan sa serbisyo ng opisina nang hindi na kailangang bumiyahe pa sa pangunahing tanggapan.
Dagdag pa ni Madrona, magkakaroon din ng sub-office ang opisina ng kongresista sa Odiongan para sa mas madaling access ng mga residente sa mga serbisyo. Inaasahang bubuksan ang opisinang ito sa mga susunod na linggo.


































Discussion about this post