Namahagi ng agarang tulong ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog sa Sitio Taw-an, Barangay Alegria, Corcuera, Romblon kamakailan.
Namahagi ang MDRRMC ng mga food at non-food items mula sa Office of Civil Defense (OCD)-MIMAROPA sa pamamagitan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).
Layunin ng inisyatiba na maihatid ang kinakailangang tulong sa mga apektadong pamilya sa pamamagitan ng koordinasyon ng lokal na pamahalaan at mga kinauukulang ahensya.


























