• RNN TV
  • RNN Radio
  • Advertise with RNN
  • About Us
  • Careers
Wednesday, October 21, 2026
29 °c
Romblon
29 ° Thu
29 ° Fri
28 ° Sat
Romblon News Network
web header ads 728x90
pmt_728x90
hb_728x90px
Big1 2026 728x90
Gasul 2026 728x90
ADVERTISEMENT
  • Home
  • News
    • All
    • Foreign News
    • Local News
    • National News
    • Regional News
    Super Typhoon Rosal, may dalang malakas na hanging ramdam hanggang Romblon

    Super Typhoon Rosal, may dalang malakas na hanging ramdam hanggang Romblon

    ₱1.1M egg production project, ipinagkaloob sa isang women’s association sa San Jose

    ₱1.1M egg production project, ipinagkaloob sa isang women’s association sa San Jose

    Sawa na nasa kustodiya ng PENRO Romblon, nakatakas sa kulungan

    Sawa na nasa kustodiya ng PENRO Romblon, nakatakas sa kulungan

    Tulfo, nangako ng livelihood loan at suporta sa mga kooperatiba sa Romblon

    Tulfo, nangako ng livelihood loan at suporta sa mga kooperatiba sa Romblon

    Electronic Notarization, inaasahang makatitipid sa oras at pamasahe ng mga Romblomanon

    Electronic Notarization, inaasahang makatitipid sa oras at pamasahe ng mga Romblomanon

    DICT Romblon, nagbahagi ng kaalaman sa disaster preparedness at digital responsibility

    DICT Romblon, nagbahagi ng kaalaman sa disaster preparedness at digital responsibility

    Senior Citizens sa Romblon, pinag-iingat laban sa epekto ng Very Strong El Niño

    Ferrol RHU, naghahanda sa posibleng kakulangan ng tubig dahil sa Very Strong El Niño

    Senior Citizens sa Romblon, pinag-iingat laban sa epekto ng Very Strong El Niño

    Medical Society chief, nagbabala sa panganib ng heat stroke at dehydration

    Lalaki, arestado sa ‘shabu’ buy-bust operation sa Santa Fe

    Lalaki, arestado sa ‘shabu’ buy-bust operation sa Santa Fe

  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
    • All
    • Daplis Lang!
    • Editorial
    • Thought of Wisdom
    • U_Spy
    Kauna-unahang indoor pickleball court sa Odiongan, pormal nang binuksan sa publiko

    Todo Pina: Pickleballmania hits Odiongan by Storm

    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Terminal fee sa Batangas Port, aakyat sa ₱60 simula Enero 2026

    Op-Ed: Modernong Terminal, Mahinang Signal

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Pamahalaang Panlalawigan, magpapadala ng ayuda sa Sibale Island

    Op-Ed: Mas Mahal ang Hindi Pakikinig

    Hindi lang sa Quirino Avenue ang may mga pinutol na puno

    Hindi lang sa Quirino Avenue ang may mga pinutol na puno

    Apat na lalaki sa Magdiwang, pinaghahanap dahil sa iligal na pagmimina

    Reclaiming the Energy Future of Romblon

    Hindi Plastik ang Problema—Kundi ang Sistema

    Hindi Plastik ang Problema—Kundi ang Sistema

  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
No Result
View All Result

  • Login
  • Register
29 °c
Romblon
29 ° Thu
29 ° Fri
28 ° Sat
No Result
View All Result
Romblon News Network
No Result
View All Result
Home News Local News

Paleng-QR ng Bangko Sentral, inilunsad sa lalawigan ng Romblon

Heico RamilobyHeico Ramilo
August 29, 2025
in Local News
Reading Time: 12 mins read
72
0
Paleng-QR ng Bangko Sentral, inilunsad sa lalawigan ng Romblon
Share on FacebookShare on Twitter

Mas pinadali na ang mga transaksyon sa bayan ng Romblon matapos ilunsad ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang programang Paleng-QR Ph Plus sa lalawigan.

Layunin ng inisyatibang ito na isulong ang paggamit ng cashless transactions at e-wallets sa mga pamilihan, business establishments, at sa sektor ng transportasyon—lalo na sa mga tricycle.

Ayon kay BSP Puerto Princesa City Area Director Atty. Ronaldo Bermudez, makasaysayan ang paglulunsad dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na naisagawa ang programa sa Romblon.

“Kapag may QR codes na ang mga negosyante, nabibigyan ng opsyon ang mga mamimili na magbayad gamit ang cash o online payment,” paliwanag ni Bermudez.

Dagdag pa niya, sa pagsali ng Romblon, nakumpleto na ang limang probinsya ng MIMAROPA na kasama sa paggamit ng digital payments bilang alternatibong paraan ng pagbabayad.

“Sa mabilis na pag-unlad ng digital na panahon, ang Paleng-QR Ph Plus program ay nagsisilbing ilaw sa pagpapalawak ng access sa pananalapi sa pamamagitan ng pagpapadali sa karaniwang mamimiling Pilipino na mag-adopt sa cashless transaction,” dagdag pa ni Bermudez.

Gamit ng programa ang QR code technology na itinakdang pambansang pamantayan para sa ganitong sistema. Layunin nitong magbigay ng ligtas at maginhawang paraan ng pagbabayad para sa parehong merchants at customers.

Dumalo rin sa launching ang team ng GCash na tumulong sa pag-imprenta ng mga QR code para sa mga establisyemento.

Samantala, ipinahayag ni Governor Trina Firmalo-Fabic ang buong suporta sa programa at sinabing makikipagtulungan ang Department of Trade and Industry (DTI) sa pag-iikot sa iba’t ibang bayan ng probinsya para sa onboarding process ng mga tindero at negosyante.

Katuwang din ng BSP sa paglulunsad ang Department of Information and Communications Technology (DICT) at Department of the Interior and Local Government (DILG).

Para kay Lalaine Mindoro, 35, tindera ng poultry products sa bagong pamilihan ng Romblon, malaking tulong ang pagkakaroon ng GCash QR code. Aniya, mas mabilis at “less hassle” ang bayaran dahil isang scan lang ng smartphone ay kumpirmado na ang transaksyon.

Hindi na rin siya nahihirapan sa sukli at nababawasan ang pagkakamali sa pagbibigay ng tamang halaga. Gayunpaman, aminado siyang may hamon din ang cashless payments dahil may kaltas sa kita at problema sa internet connection.

Samantala, may mga negosyante pa ring nahihirapan sa paggamit ng bagong sistema. Tulad ni Lilian Menes, isa ring tindera, mas komportable pa rin siyang gumamit ng cash dahil hindi siya sanay gumamit ng smartphone.

Ganito rin ang sitwasyon ng ilang mamimili. Ayon kay Salvacion Reyes, 61, natutulungan siya ng kanyang mga apo sa paggamit ng cashless payment dahil hindi pa siya bihasa.

Gayunpaman, nakikita niya ang benepisyo nito dahil sa mga pagkakataong naloloko siya sa sukli kapag cash ang gamit. Aniya, handa siyang matuto upang mas maging madali ang kanyang mga transaksyon sa hinaharap.

Related Posts

Super Typhoon Rosal, may dalang malakas na hanging ramdam hanggang Romblon

Super Typhoon Rosal, may dalang malakas na hanging ramdam hanggang Romblon

October 21, 2026
₱1.1M egg production project, ipinagkaloob sa isang women’s association sa San Jose

₱1.1M egg production project, ipinagkaloob sa isang women’s association sa San Jose

October 21, 2026

Popular Stories

  • Lalaki, arestado sa ‘shabu’ buy-bust operation sa Santa Fe

    Lalaki, arestado sa ‘shabu’ buy-bust operation sa Santa Fe

    335 shares
    Share 134 Tweet 84
  • Sawa na nasa kustodiya ng PENRO Romblon, nakatakas sa kulungan

    153 shares
    Share 61 Tweet 38
  • Mobile Journalism, opisyal nang kategorya sa Division Schools Press Conference

    3756 shares
    Share 1502 Tweet 939
  • RSU San Andres, nagsagawa ng psychological counseling sa mga estudyante, guro

    52 shares
    Share 21 Tweet 13
  • Prov’l Gov’t, nagsisikap na matulungan ang mga pamilyang walang land title sa Capaclan, Bagacay

    43 shares
    Share 17 Tweet 11
Romblon News Network

We are an independent and apolitical digital media organization first ever established in the Province of Romblon.

MORE NEWS

DOST, nagdagdag ng solar power system para sa potable water generation facility sa San Jose

Looc NHS, nagsagawa ng libreng eye checkup para sa mga mag-aaral

Bagong gusali sa PISAY Mimaropa, pinasinayaan

TRENDING FOR THE MONTH

Sekyu patay sa pananaga ng kapwa sekyu sa RSU San Andres

Barangay kagawad, pinagbabaril umano ang kapatid matapos ang pagtatalo

Murder case, isinampa laban sa suspek sa pagpatay sa kapwa sekyu sa San Andres

  • Home
  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use

© 2013-2026. All Rights Reserved. Romblon News Network (RNN) and RNN.TV. Powered by Pixxelsis Digital Media

Welcome Back!

Login to your account below

Forgotten Password? Sign Up

Create New Account!

Fill the forms bellow to register

All fields are required. Log In

Retrieve your password

Please enter your username or email address to reset your password.

Log In

Add New Playlist

No Result
View All Result
  • Home
  • News
  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
  • Login
  • Sign Up