Magbibigay ng pabuyang aabot sa P200,000 ang dalawang alkalde sa probinsya ng Oriental Mindoro para sa ikakahuli ng suspek sa pagpatay sa SEA Games Gold medalist na si Mervin Guarte.
Si Guarte ay pinaslang habang natutulog sa Calapan, Oriental Mindoro noong Martes ng umaga.
Ang mga nabanggit na alkalde na magbibigay ng pabuya ay sina Jennifer Cruz ng Pola at Elgin Malaluan ng Bongabong.
Ayon kay Calapan City Police chief Police Lieutenant Colonel Roden Fulache, ang suspek ay ang 31-anyos na tricycle driver at kaibigan din ng biktima.
Nakilala ang suspek sa pamamagitan ng mga nakuhang CCTV malapit sa pinangyarihan ng krimen. Makikita umano sa CCTV na dumaan ang suspek patungo sa bahay na tinutuluyan ng biktima at ilang minuto ay nakita ding naglalakad palayo sa lugar.
Hinihinala ng pulisya na may matagal nang galit ang suspek sa biktima kaya nagawa nito ang krimen.
Discussion about this post