Inaasahang maghaharap sa isang forum ang mga kandidato na tumatakbo sa para makasungkit ng pwesto sa lokal na pamahalaan ng Odiongan.
Ang nasabing forum na inorganisa ng Romblon Observer ay gaganapin sa darating na Sabado, April9, sa Odionga Public Plaza.
Layunin ng forum na marinig ng publiko ang mga plataporma, track record at opinyon ng mga kandidato sa iba’t ibang issue sa pamayanan.
Kinumpirma na sa Romblon News Network ng grupo ni incumbent Mayor Trina Firmalo-Fabic na sila ay dadalo sa nasabing event habang wala pang confirmation ang grupo ni SB Butchoy Arevalo.
Ang Forum na ito ay collaboration ng Romblon Observer kasama ang Odiongan Municipal Police Station, Romblon State University Main Campus – Supreme Student council, The Harrow, Odiongan Kabataan Kontra Droga at Terorismo, Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV, at Commission on Elections (COMELEC).
Mapapanood ng live sa Romblon News Network ang nasabing forum.