Nagsagawa ng caravan paikot ng bayan ng Cajidiocan ang grupo ni incumbent Sangguniang Bayan member at mayoral aspirant Atty. Marvin ‘Greggy’ Ramos bilang hudyat sa pagsisimula sa 45 araw na campaign period sa local level ngayong Eleksyon 2022.
Kasamang nag-ikot ni Ramos ang kanyang mga kasamang kandidato mula sa pagka-bise alkalde hanggang sa pagka-konsehal ng bayan.
Ayon sa mga organizers ng event, may halos 1,000 taga-suporta ng grupo ang sumama sa caravan.
Si Ramos ay tumatakbo sa ilalim ng Nationalista Party at makakalaban sina Domeng Rivero ng Aksyon at Edwin Rotoni na tumatakbo bilang Independent.