May mahigit 100 taga-suporta ni Senator Bong Go kabilang ang ilang mga barangay officials sa Romblon ang dumalo sa motorcade at caravan na inorganisa nitong November 6.
Nagsimula ang kanilang motorcade mula sa bayan ng San Agustin at natapos sa bayan ng San Andres kung saan ginanap ang maikling programa na dinaluhan rin ng mga barangay officials sa bayan.
Sa nasabing programa ay nagsalita ang ilang matataas na opisyal sa Romblon at nagpasalamat sa dalawang Malasakit Center na inilagay sa probinsya ng pamahalaan.
Ang nasabing aktibidad ay isa lamang sa kahalintulad na aktibidad na ginanap nationwide.