Masayang tinanggap ni Lola Leonila Fillarca ang cash gift nito mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) matapos siyang mapabilang sa mga Pilipinong nakaabot sa kanilang ika-100 toan.
Personal na inabot ng mga tauhan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kasama ang lokal na pamahalaan ng San Jose ang P100,000 na cash gift kay Lola Nila ng Barangay Laans, San Jose, Romblon.
Ang pagbibigay ng cash gift sa mga centenarian ay alinsunod sa Centenarians Act of 2016 o ang Republic Act No. 10868 na naglalayong mabigyan ng cash gift ang mga Pilipinong aabot ang edad sa 100 taon
Maliban sa cash gift nakatanggap rin ng felicitation letter si Lola Nila mula kay Pangulong Rodrigo Duterte.