Arestado ang anim (6) katao sa Barangay Cajimos, Romblon, Romblon matapos silang maaktuhan di umano ng mga tauhan ng Romblon Municipal Police Station na naglalaro ng iligal na tupada.
Kabilang sa mga naarestong suspek ay isang 16 na taong gulang na bata.
Ayon sa pulisya, nakatanggap sila ng tip mula sa isang reliable source na may nagaganap na tupada sa may mabundok na bahagi ng Sitio Luway kaya agad silang tumungo sa lugar.
Pagdating ng pulisya, agad na kumaripas ng takbo ang mga taong naglalaro ngunit nahabol sila ng mga kapulisan.
Nakuha sa kanila ang tatlong buhay na manok na panabong, tatlong patay na manok, gamot, at perang mahigit sa P11,000.
Dinala sa Romblon Municipal Police Station ang mga suspek para masampahan ng kasong paglabag sa Cockfighting Law of 1974.

































