Nauwi sa karumal-dumal na krimen ang masaya sanang inuman sa Sito Agtingga, Barangay Camili kagabi, October 6, matapos pagsasaksakin ng isang lalaki ang kainuman nito.
Kinilala ang biktima na si Yolito Guyo Gabriel, 51, magsasaka, habang ang suspek ay kinilalang si Ely Salivio Gabat Jr., isang laborer.
Ayon sa Alcantara Municipal Police Station, bandang alas-10 kagabi habang nag-iinuman umano ang dalawa ay nagkaroon ng pagtatalo sa dalawa at nagkasagutan.
Ilang minuto pa ang nakalipas at biglang bumunot ng kutsilyo si Gabat at pinagsasaksak ang biktimang si Gabriel.
Agad na tumakas ang suspek matapos ang krimen habang ang biktima ay sinubukang ng mga residente ng Sitio sa Don Modesto Formilleza Sr Memorial Hospital sa Looc ngunit idineklara itong dead on arrival.
Naglunsad na ng manhunt operation ang kapulisan laban sa suspek para sa ikahuhuli nito.
Mahaharap ang suspek sa kasong murder.