Sugatan ang isang lalaki sa Sitio Bulaluhan, Barangay Busay, San Jose matapos itong pagtatagain ng kanyang inaawat lamang sa pagwawala.
Kinilala ang biktima na si Sally Boy Mondaz Peros habang ang suspek naman ay si Rociano Ilisan Brigido.
Ayon sa San Jose Municipal Police Station, nangyari ang insidente noong Linggo ng gabi.
Sa pag-iimbestiga ng mga kapulisan, napag-alamang ang suspek na si Brigido ay nagwawala at nagsisisigaw malapit sa bahay ng biktima kaya ito lumapit at sumubok na umawat.
Pero hindi nagpapigil ang suspek at bumunot ng kanyang bolo at pinagtataga ang biktima.
Agad na tumakas ang suspek mula sa crime scene matapos itong makagawa ng krimen.
Pinaghahanap na siya ng kapulisan.