Sa kulungan ang diretso ng isang lalaking may sakit sa pag-iisip na residente ng Barangay Canduyong sa Odiongan matapos nitong manaksak ng mag-ina kahapon.
Sa imbestigasyon ng Odiongan Municipal Police Station, ang biktimang si Maricel Vicente Fabito, isang barangay health worker, ay tumungo sa isang artesian well para maligo kasama ang kanyang 7-taong gulang na anak.
Ngunit habang naglalakad ay sinundan sila ng suspek na isang 63-anyos.
Hindi nagtagal dinampot ng suspek ang kanyang anak at sinaksak sa katawan, habang ang biktimang ginang ay nasaksak rin sa paa habang sinusubukang awatin ang suspek.
Napigilan lang ang suspek matapos mag responde ang tao na nandoon rin sa lugar.
Nagtamo ng sugat sa katawan ang bata, habang sugat sa paa at sa katawan ang natamo ng matanda na ngayon ay parehong nagpapagamot sa ospital.
Narekober ng mga rumespondeng pulis ang ginamit ng suspek na kutsilyo na tinatayang may habang 10.25 inches.
Sasampahan ng kasong frustrated murder ang suspek.