Patay ang isang residente ng Sitio Boliganay, Brgy. Panique, Odiongan matapos itong tamaan ng kidlat sa kasagsagan ng ulan noong isang araw.
Kinilala ng mga residente ng lugar ang lalaki na si Jessie Capillo Soguilon, 38 anyos, at isang magsasaka.
Ayon sa Odiongan Municipal Police Station, nakatanggap sila ng ulat na may natagpuang walang buhay na lalaki sa may mataas na bahagi ng sitio.
Sa pagtingin sa katawan ng biktima, nakitaan ito ng sunog sa dibdib kung saan pinaghihinalaang tumama ang kidlat.
Dinala na ang bangkay ng lalaki sa St. Peter Funeral Homes matapos tumanggi ang pamilya nito na ipa autopsy pa ang mga labi.