Nauwi sa isang krimen ang masaya at maayos sanang inuman ng ilang kalalakihan sa Sitio Banturan, Barangay Cabolutan, San Agustin noong Sabado, October 23.
Base sa ulat ng San Agustin Municipal Police Station, nakikipag-inuman umano ang suspek na si Lito Marquez sa iba pang mga lalaki sa lugar kasama na ang biktimang si Rudy Fabito Valles.
Habang nag-iinuman, nagkaroon umano ng pagtatalo sa dalawa na nauwi sa mainit na sigawan.
Hindi nagtagal, bumunot umano ng kutsilyo ang suspek at pinagsasaksak ang biktima sa katawan.
Naisugod naman agad sa Tablas District Hospital para lapatan ng lunas ang biktima habang ang suspek ay naaresto ng mga rumespondeng pulis.
Mahaharap sa kaukulang kaso ang suspek.