Patay ang isang 17 anyos na lalaki sa Sitio Suyangan, Barangay Alad sa bayan ng Romblon, Romblon matapos itong malunod sa dagat.
Ayon sa pamilya ng ng binatang si Jacson Fallaria, nagpaalam umano itong mangingisda bandang alas-8 ng umaga kahapon ngunit tanghali na ay hindi parin ito bumabalik.
Pinuntahan siya ng kanyang ate sa dagat para tingnan, at dito na nila nakita ang walang buhay na katawan ng binata. Sinubukan pa nilang i-revive ito ngunit bigo sila.
Posible umanong inatake ng kanyang sakit na epelicy si Fallaria habang nangingisda at nahulog sa tubig dahilan upang ito ay malunod.