Inobserba ng lokal na mga residente ng bayan ng Odiongan sa Romblon ang World Car-Free Day ngayong Huwebes, September 30.
Mula alas-6 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga ay isinara para sa mga di-gasulinang sasakyan ang Firmalo Boulevard sa sentro ng bayan upang mahikayat ang publiko na maglakad lamang.
Kasabay nito, nagsagawa rin ng coastal clean-up drive sa baybaying malapit sa Boulevard ngayong araw ang mga kawani ng lokal na pamahalaan ng Odiongan.
Mga basurang inanunod ng ilog patungo sa dagat ang kanilang nalinis at dinala sa tambakan upang hindi kumalat sa ganda ng dalampasigan.
Ang mga nasabing aktibidad ay bahagi parin ng pakikiisa ng LGU Odiongan sa Civil Service Month na inoobserba tuwing buwan ng Setyembre.