Matapos suspendehin ng dalawang araw dahil sa bagyong Jolina, nagpatuloy nang muli ang bakunahan laban sa Covid-19 sa iba’t ibang bayan sa probinsya ng Romblon.
Ayon sa provincial epidemiology surveillance unit (PESU), may aabot na sa 35,459 katao nag nabigyan na ng second dose ng vaccine o matuturing nang fully vaccinated individual sa probinsya.
Samantalang may 4,375 pang mga nabakunahan ng first dose ng Covid-19 vaccine ang nagaantay pa ng kanilang second dose sa ngayon.
Sinabi ng PESU na A1 hanggang A4 group parin ang kanilang priority na mabakunahan sa probinsya.
Samantala, ayon sa Provincial DOH Office – Romblon, asahan umano ang karagdagan pang mga bakuna ng Covid-19 ang darating sa probinsya ngayong buwan mula sa Department of Health.