Inanunsyo ng Provincial Gov’t ng Romblon na extended ang work at class suspension ngayong araw, September 08.
ADVERTISEMENT
Ayon kay Governor Jose Riano, wala paring pasok ngayong araw ang lahat ng opisina ng gobyerno sa probinsya maliban sa mga opisina na kailangang maghatid ng basic services katulad sa health at sa rescue operations.
Wala ring pasok ang lahat ng antas ng pribado at pampublikong paaralan sa probinsya ngayong Miyerkules.