Ilang maliliit na backyard fishpond raisers sa bayan ng Odiongan ang nakatanggap kamakailan ng ayuda mula sa lokal na pamahalaan.
Ayon kay Engr. Reden Escarilla ng Municipal Agriculture Office, mga fingerlings ng tilapia ang kanilang binigay na ayuda sa mga ito.
Magagamit nila ito sa pagsisimula ng kanilang pagpaparami ng tilapia sa kanilang mga farm para hindi lang umano bangus ang kanilang pwedeng pagkakitaan.
Ito umano ay bahagi ng programa ng kanilang opisina para matulungan ang mga mangingisda at farmers na mag invest sa agrikultura.