Dumating ngayong Huwebes, September 30, ang aabot sa 11,200 doses na Sinovac-CoronaVac vaccine sa probinsya ng Romblon mula sa DOH Center for Health Development Mimaropa.
Ang mga bakuna ay dumating sakay ng RORO at diniretso sa cold storage facility ng Romblon Provincial Hospital.
Ilalaan ang mga nasabing bakuna sa iba’t ibang bayan sa probinsya ngunit bibigyan ng Department of Health ng mas malaking alokasyon ang bayan ng Romblon, Romblon na kasalukuyang nakakapagtala ng pagtaas ng kaso ng Covid-19.
Kasabay ng 11,200 na doses ng Sinovac-CoronaVac vaccine ay dumating rin ngayong araw ang 2,340 doses ng Pfizer vaccines para sa second dose ng mga naturukan sa Odiongan at Looc.
Sa kabuoan, aabot na sa 132,750 doses ng iba’t ibang mga bakuna ang dumating sa probinsya.