Pinasinayaan na noong Biyernes sa bayan ng Cajidiocan sa Sibuyan Island, Romblon ang bagong tayo nilang Covid-19 Isolation facility.
Ang nasabing gusali ay pinondohan ng lokal na pamahalaan ng aabot sa P10-million mula sa kanilang pondo.
Meron itong mga maayos na kwarto kung saan maaring manatili ang mga kailangan i-solate dahil sa Covid-19 virus.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng Cajidiocan, malaking bagay ang ganitong isolation facility upang mapigilan ang pagkalat ng virus sa kanilang bayan.
Sa huling taya ng provincial epidemiology surveillance unit, may 12 aktibong kaso ng Covid-19 sa bayan.