Nabakunahan na kahapon laban sa coronavirus disease 2019 o Covid-19 ang aabot sa 116 persons deprived of liberty (PDL) na residente ng Odiongan District Jail sa Odiongan, Romblon.
Ayon kay Jail Senior Inspector Roberto Benzon, Jail Warden ng ODJ, ang mga PDL ay nakatanggap ng Sinovac Covid-19 vaccine para sa kanilang first dose.
Ang nasabing bakunahan ay pinangasiwaan ng mga nurse ng Rural Health Unit ng Odiongan.
Ang team rin ng mga nurses maliban sa nagbakuna ay nagbigay rin sa ODJ ng mga gamot, hygiene kits, at mga food packs para sa mga PDLs.
Kapag natanggap na ng mga PDLs ang kanilang second dose, sinabi ng health unit ng Odiongan na maituturing ng may herd immunity laban sa virus sa nasabing pasilidad.