Nagagamit na ng mga residente ng Barangay Agojo sa Looc, Romblon ang ipinagawang water system ng lokal na pamahalaan sa lugar.
Noon kasi ay nagtitiis ang mga tao sa mga poso para lang makaigib, ngunit ngayon ay may gripo na sa barangay na pwede nilang igiban.
Makikita sa mga larawan ang mga batang nagtatampisaw sa malamig na tubig maging ang mga matatandang nag-iigib sa bagong mga gripo.
Ayon sa Barangay officials ng Agojo, plano nilang dagdagan ang tubo ng kanilang water system upang mas marami pang maabot ito sa kanilang barangay.