Nakipagpulong kahapon si Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer Col. Roseller Muros sa lokal na pamahalaan ng Alcantara sa pamumuno ni Mayor Riza Galicia-Pamorada, upang pag-usapan ang pagtatayo ng Provincial Isolation Facility sa Barangay Camili.
Nagsagawa rin sila ng inspeksyon sa lugar ng patatayuan ng nasabing gusali.
Masayang tinanggap ng lokal na pamahalaan ang nasabing proyekto dahil inaasahang malaking tulong ito sa mga residente ng bayan na uuwi ng probinsya na kailangang mag-quarantine o di kaya ay pagdadalhan ng mga tatamaan ng Covid-19.
Magagamit rin ito pagkatapos ng pandemya kung sakaling may mga sakuna na kailangan ng evacuation center.