Nabakunahan na ngayong hapon si Philippine Councilors League (PCL) Romblon president, Atty. Greggy Ramos, ng bakuna laban sa coronavirus disease 2019 o Covid-19.
Sinovac ang natanggap ng konsehal na tagapagsalita rin ng Covid-19 task force ng bayan ng Cajidiocan.
Kasabay ng pagpapabakuna ng konsehal, hinikayat niya rin ang kanyang mga kasamang konsehal sa PCL Romblon na magpabakuna upang maging ehemplo at mahikayat ang mga kani-kanilang mga kababayan na makiisa na magpabakuna at tuldukan ang pag dami ng kaso ng covid.
Ayon kay Atty. Ramos, sa panahon ngayon ay normal matakot sa COVID ngunit ang hindi normal ay ang habang buhay nalang na matakot ang tao rito.
Dagdag niya pa, ang vaccine ang daan patungo na bumalik ng normal ang ating sitwasyon at muling makabangon ang ating ekonomiya.