Ginanap nitong Miyerkules, June 23, sa bayan ng Corcuera sa Simara Island, Romblon ang groundbreaking ceremony bilang hudyat sa pagsisimula sa construction sa walong isolation at quarantine facility.
Ang mga nasabing pasilidad ay ikakalat sa piling walong barangay ng bayan kabilang na ang venue ng groundbreaking ceremony na ginanap sa Barangay Tacasan.
Ang proyekto na nagkakahalaga ng P80million pesos ay bahagi ng Bayanihan Act 2 na pondo ng Office of the Civil Defense MIMAROPA.
Pinangunahan ni Mayor Elmer Fruelda ang nasabing seremonya at pinasalamatan ang pamahalaang nasyonal sa pondong ibinigay sa isla kabilang na ang mga opisyal ng OCD, Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases Mimaropa, at ang pamahalaang panlalawigan.
Ang nasabing mga gusali ay malaking tulong kung sakaling may taga-isla na kailangang i-quarantine dahil sa isang sakit kagaya ng Covid-19.