Walang kawala sa kamay ng mga tauhan ng Provincial Intelligence Unit ng Romblon Police Provincial Office ang lalaking itinuturing na Top 3 Most Wanted ng probinsya ng Romblon.
Ang suspek na si Arthur Garachico, 44 anyos, ay nasakote ng mga otoridad sa Batasan Hills Quezon City nitong Biyernes.
Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 81 dahil sa kasong rape in relation to Republic Act 7610.
Ayon sa pulisya 2016 pa ang warrant of arrest laban sa suspek at matagal na itong pinaghahanap kaya itinutring na Top 3 mWP ng probinsya.
Ibabaiyahe pabalik ng Romblon ang suspek para iharap sa korte.
Walang piyansa ang kanyang kaso.