Sugatan ang isang lalaki sa San Fernando matapos siyang laslasin sa bandang likuran ng leeg habang itoy natutulog sa isang lamayan sa Barangay Espaṅa, San Fernando, Romblon nitong nakaraang mga araw.
Kinilala ang biktima na si John Mar Flaviano, 20 anyos, residente ng nabanggit na barangay.
Sa ulat ng San Fernando Municipal Police Station na pinadala sa Romblon Police Provincial Office, bandang alas-3:30 ng madaling araw nang magising ito dahil dahil sa naramdamang paglaslas sa bandang likuran ng leeg gamit ang isang matalim na bagay.
Ang suspek na may kagagawan sa krimen, na kinilalang si Jeaffrey Romero Matias, 36 anyos, ay agad na tumakas palayo sa lamayan.
Agad namang isinugod ang kagigising lang na biktima sa Rural Health Unit ng bayan ng San Fernando para gamutin ang natamong sugat.
Lumapit siya sa mga kapulisan ng San Fernando Municipal Police Station upang magsumbong at para maaresto ang suspek.
Kasong frustrated murder ang kahaharapin ni Matias na di umano ay may matagal ng alitan ng biktima.