Naaresto ng mga tauhan ng Odiongan Municipal Police Station kasama ang Batangas Maritime Police Station at mga kapulisan mula sa Romblon Police Provincial Office at CIDG Romblon, ang isang lalaking wanted sa bayan ng Odiongan dahil sa kinakaharap nitong kaso.
Kinilala ang suspek na si Allan Fajutrao, 37, isang warehouseman sa Barangay Sta. Clara, Batangas City.
Ayon sa pulisya, inaresto si Fajutrao sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 28 dahil sa 3 counts of rape na kinakaharap nito.
Nakakuloong na ngayon ang suspek at inaasahang ibabiyahe pabalik ng Odiongan para iharap sa korte.
Maaring mag piyansa ng P120,000 ang suspek sa isa sa kanyang kaso ngunit ang dalawa rito ay non-bailable.