Sugatan ang isang batang nagbibisekleta sa national road sa bahagi ng Sitio Sawang, Barangay Dubduban, San Agustin matapos itong masagi ng motorsiklo kamakalawa.
Ayon sa San Agustin Municipal Police Station, ang batang biker na edad 14 taong gulang ay nagbibisekleta sa gilid ng kalsada nang masalpok ng rider na kinilalang si Clyde Gabriel Manipol Catajay, 25.
Hindi umano napansin ni Catajay ang bata kaya niya ito nasagi dahilan upang ang dalawa ay matumba at magkaroon ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Isinugod sa Tablas Island District Hospital ang dalawa para agad na gamutin.
Iniimbestigahan na ng San Agustin Municipal Police Station ang aksidente.