Nakapagtala ang provincial epidemiology surveillance unit ng probinsya ng Romblon ng karadgdagang 15 na bagong kaso ng Covid-19 ngayong araw ng Huwebes, April 22.
Batay sa kanilang ulat, pinakaraming nadagdag sa bayan ng Odiongan kung saan may 8 bagong kaso ng Covid-19.
Ang mga bayan ng Looc at San Andres ay may tag-tatlong bagong kaso habang isa naman ang nadagdag sa bayan ng Alcantara.
Sa recoveries naman, aabot sa 18 ang gumaling ngayong araw at nakauwi na sa kanilang mga bahay para doon ipagpatuloy ang kanilang home quarantine dahilang upang bumaba na ang aktibong kaso sa buong probinsya sa 111.
Ayon kay Odiongan mayor Trina Firmalo-Fabic, 16 ang gumaling sa bayan ng Odiongan ngayong araw.
Sa ngayon, may aabot pa sa 150 na resulta ng mga test ang hinihintay ng provincial epidemiology surveillance unit ng probinsya