Naging matagumpay ang isinagawang webinar na pinamagatang, Juana, Know Your Legal Rights,sa bayan ng Odiongan, Romblon kaninang umaga na inorganisa ng local council of women members.
Ang programang ito ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng Local Council of Women Odiongan, Odiongan Public Information Office at Office of the Sangguniang Bayan.
Dito tinalakay ng mga pangunahing speaker ang iba’t ibang karapatan ng mga kababaihan at kung paano sila hindi maabuso.
Naging tagapagsalit rito sina Atty. Marrianne G. Reginaldo ng Judicial and Bar Council ng Supreme Court of the Philippines; at si Atty. Monaliza Gomez Ceria, Sangguniang Bayan Member – LGU Padre Garcia Batangas.
Layunin rin ng programa na maitama ang mga maling mga paniniwala tungkol sa karapatang pangkababaihan.