Naitala ngayong araw ang unang kaso ng coronavirus disease 2019 o Covid-19 sa bayan ng San Agustin, Romblon.
Sa inanunsyo ng Tablas Island District Hospital, ang pasyenteng nag positibo sa Covid-19 ay naka isolate sa kanilang isolation facility.
Wala umano itong travel history.
Ang pasyente ay nagpakita ng mga sintomas ng lagnat at pagtatae kaya nag pakonsulta noong February 23.
Sa kasalukuyan, maayos ang lagay at wala na ring sintomas ang pasyente at tinatapos na lamang makumpleto ang 14 days quarantine.
Pinapayuhan ng pamunuan ng Tablas Island District Hospital ang mga nakasalamuha ng pasyente mula February 18 hanggang 23 na makipag-ugnayan sa San Agustin Rural Health Unit para sa contact Tracing procedures.