Dumating na sa Romblon ang aabot sa 750 na bakunang laban sa Covid-19 na gawa ng Sinovac ng China.
Lumapag ito bandang 10:30 ng umaga kanina sakay ng eroplano ng Philippine Coast Guard.
Sinalubong ito nina Congressman Eleandro Madrona, Governor Jose Riano at mga kawani ng Department of Health at Provincial Health Office.
Mula Airport, dinala ang mga bakuna sa Romblon Provincial Hospital kung saan matatagpuan ang cold storage facility ng probinsya.
Ang mga bakuna ay inaasahang mapapakinabangan ng aabot sa 500 medical frontliners ng Romblon Provincial Hospital at Romblon Distrcit Hospital.
Sa darating na Linggo, magsisimula ang opisiyal na bakunahan sa probinsya.