Nagtamo ng sugat sa magkabilang paa ang isang lalaki sa bayan ng Odiongan matapos itong barilin di umano ng kanyang kapitbahay kagabi.
Kinilala ang biktimang si Villamor Fornal Galangera, 63, residente ng Barangay Amatong, Romblon.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, natutulog na si Galangera sa kanyang bahay sa Sitio Tabla nang bigla itong makarinig ng dalawang putok ng baril dahilan upang magpatihulog ito sa ilalim ng kama.
Pagbagon niya, inilawan niya ang labas ng kanyang bahay at dito niya nakita ang kanyang kapitbahay na tumatakbo papalayo sa kanila.
Ang suspek ay kinilala ni Galangera na si Rodel Gabute Fornal.
Matapos mag imbestiga ang pulisya, agad nilang tinungo si Fornal at inaresto sa labas ng kanyang pamamahay.
Nakakulong na ngayon ang suspek at mahaharap ito sa kaukulang reklamo.