Matapos ang halos 25 taong pagtatago mula sa batas, naaresto na nitong Miyerkules sa bayan ng San Fernando, Romblon ang isa sa most wanted person ng buong Pilipinas.
Kinilala itong si Leopoldo Ramos at isang mangingisda.
Ayon kay Provincial Director Police Col. Christopher Abecia, ang suspek ay wanted dahil sa kasong Forcible Abduction with Rape sa San Mateo, Rizal at nagtago sa Sitio Talaba, Brgy. Taclobo, San Fernando, Romblon.
Naaresto ang suspek sa pinagsamang pwersa ng San Fernano Municipal Police Station at Provincial Intelligence Branch ng Romblon PPO.
Nakakulong na ngayon ito at inaasahang ibabiyahe pabalik ng Rizal para iharap sa korte.
Walang piyansa ang kaso ni Ramos.