Kinumpirma ng Department of Health Center for Health Development (DOH-CHD-MIMAROPA) na dadating bukas sa probinsya ng Romblon ang aabot sa 1,000 Covid-19 vaccines na gawa ng Sinovac ng China.
Kinumpirma ito sa isang press conference ni Regional Director Dr. Mario Baquilod nitong Huwebes ng hapon, March 04.
Aniya, sa pamamagitan ng airlift ihahatid ang mga bakuna sa probinsya bukas. Mula airport ay didiretso ito sa Provincial Health Office para sa storage ng vaccines.
Batay sa kanilang talaan, 10,200 na doze ng Sinovac’s Covid-19 vaccine ang kanilang ipapadala sa iba’t ibang probinsya sa rehiyon bukas.
Mananatiling nasa priority o unang tuturukan ng bakuna ang mga health care workers sa rehiyon.