Kusang sumuko sa pulisya ang isang barangay kagawad ng Barangay Lumbang Este sa bayan ng Cajidiocan sa Romblon, na suspek sa pananaga sa isang lalaki nitong gabi ng Lunes.
Kinilala ang suspek na si Barangay Kagawad Noriel Ramilo Alberto, 58 anyos.
Ayon sa ulat ng pulisya, sumugod sa bahay ng biktimang si Domingo Rance Cortes, 71, ang suspek na si Alberto dala ang dalawang bolo at hinamon ang biktima.
Nag-uwi sa sigawan ang hamunan ng dalawa hanggang sa pagtatagain ng suspek ang biktima ng maraming beses hanggang sa matumba.
Agad namang itikabo ng Sibuyan District Hospital ang biktima matapos maawat ng mga kamag-anak ni Cortes ang suspek.
Nagtamo ito ng maraming taga sa katawan, ayon sa ulat ng Cajidiocan Municipal Police Station.
Samantala, ang suspek ay tumakbo palayo sa crime scene at sumuko sa pulisya matapos ang ilang oras dala ang ginamit na patalim.
Nakakulong na ito ngayon at mahaharap sa kasong frustrated homicide.