Sinuspende na ni Governor Jose Riano ang klase sa mga paaralan at pasok sa lahat ng opisina ng gobyerno sa buong lalawigan ng Romblon bukas, Lunes, February 22, dahil sa banta ng bagyong Auring.
Ayon sa gobernador, ito ang rekomendasyon sa kanyang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office.
Hindi naman kasama sa mga suspendido ang pasok ng mga ahensyang involve sa basic at health services, preparedness response, at iba pang vital services.
Samantala, nasa hepe na ng mga pribadong opisina kung mag dedekalra rin sila ng suspensyon ng pasok.
Sa ngayon, may babala ng bagyong bilang isa na ang buong probinsya ng Romblon habang ang bagyong si Auring ay patuloy na lumalapit sa kalupaan ng Pilipinas.