Nagbigay ng libreng Blood Pressure Apparatus ang lokal na pamahalaan ng Odiongan sa mga Barangay Nutrition Scholars ng bayan noong nakaraang Huwebes.
Ang mga ito ay magagamit sa oras ng emergency at sa health monitoring sa kanilang mga barangay.
Ilan sa mga Barangay Nutrition Scholars na nabigyan ay mula sa Barangay Rizal, Progreso Este, Progreso Weste, Malilico, Anahao, Bangon, Budiong, Liwanag, Liwayway, Ligaya, Libertad, Tumigad, at Gabawan.
Ilang solo parent sa bayan ng Odiongan ang nabigyan rin ng tulong pinansyal mula sa Gender and Development Fund ng munisipyo. Ito ay para sa pagtataguyod ng kanilang pamilya ng mag-isa.
Ang assistance na ito ay para mabigyan sila ng pagkakataong makapagtayo ng sariling hanapbuhay at matustusan ang araw araw na pangangailangan ng kanilang pamilya.
Pinangunahan ni Mayor Trina Firmalo-Fabic ang pamamahagi kasabay ng pagdiriwang ng kanyang kaarawan.