Popondohan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation ang itatayong evacuation center sa Sibuyan Island katabi ng Sibuyan District Hospital na nagkahalaga ng aabot sa P50-million.
Nitong ika-11 ng Pebrero, pumirma sa kasunduan ang PAGCOR at ang Provincial Government ng Romblon sa pangunguna ni Goverment Jose Riano para sa itatayong evacuation center.
Nagbigay ng paunang 25 milyon ang Pagcor sa provincial government para sa pagsisimula nito.
Ang nasabing Multi-Purpose Evacuation Center ay isang dalawang palapag na gusali na may kitchen, storage sa relief goods, toilet, shower room, lactating room, at maging badminton-court para sa mga events.
Sa naganap na turn-over ceremony na dinaluhan ng matataas na opisyal ng Pagcor at ng Romblon, sinabi ni Pagcor Chairman at CEO Andrea Domingo na ipinagmamalaki nila ang vision ng ahensya na magkaloob ng maayos na evacuation center kahit sa malalayong lugar.
































