Pinaghahanap ng San Agustin Municipal Police Station ang dalawang lalaking itinuturong suspek sa panunuog sa isang bahay sa Barangay Doña Juana, San Agustin, Romblon kagabi.
Kinilala ang mga suspek na sina Rolly Gallos Montesa at Jay-r Manalon Buhala.
Ayon sa pulisya, ang dalawa ay nakita umanong tumakbo palayo ng bahay ni Rominie Gallos Manalon, 27, kagabi matapos ang insidente dala-dala ang improvised na sulo na gawa sa dahon ng niyog.
Naganap ang sunog bandang 9:50 kagabi idineklarang fire out ng BFP-San Agustin matapos ang 25 minuto.
Tinatayang aabot sa P12,000 halaga ng ari-arian ang nasunog insidente.