Buhay at nagpapagaling ngayon ang isang binata sa Barangay Bagsik, Alcantara, Romblon matapos itong tagain ng isang lalaki nitong gabi ng Miyerkules, February 3.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Exekiel Antonio Galicia, 21, habang ang suspek ay kamag-anak nito na kinilalang si Jessielou Antonio Galicia.
Sa ulat ng Alcantara Municipal Police Station, nagpapahinga at nakaupo ang biktima sa loob ng kanyang bahay nang bigla itong pasukin ng lasing na suspek dala ang isang matalim na bagay.
Nagtalo ang dalawa at nakapag-sabi ang suspek na “Tatagain kita diyan e! Ibaon kita sa putik!” at walang ano-anoy tinaga sa ulo ang biktima na nagtamo ng sugat sa ulo at sa tenga.
Agad namng tumakas ang suspek palayo sa lugar dala ang ginamit na patalim habang ang biktima isinugod sa Alcantara Rural Health Unit kung saan siya ginamot.
Nagsasagawa na ng manhunt operation ang mga tauhan ng Alcantara Municipal Police Station sa ikaaresto ng suspek.