Isang health worker sa bayan ng Santa Fe, Romblon ang nagpositibo sa Covid-19 ngayong Biyernes base sa ulat na inilabas ng Department of Health (DOH) Mimaropa Center for Health Development.
Ito ay isang 34 anyos na babae at walang history ng travel.
Nagpositibo ang health worker kasunod ng mandatory testing sa mga health care workers sa lalawigan.
Ayon sa DOH-Romblon, kasalukuyang naka-isolate na ang pasyente sa isolation facility ng bayan ng Santa Fe habang nagsasagawa na rin ng contact tracing sa bayan.
Inaalam na rin kung paano ito nagkaroon ng virus gayung wala itong travel history.
Sa ngayon, walo (8) na ang aktibong kaso ng Covid-19 sa buong probinsya kung saan pito (7) rito ay nasa bayan ng Romblon, Romblon.


































